Isa-isang ilalabas ang mga tinatago. Isa-isang matutuklasan ng gumagawa ang mga kamalian at unti-unting matututunan kung paano lumaban sa isang mapanlinlang na mga salitang nanggagaling sa isang taong malapit sa puso.

Sino ba ang gusto na binabastos? Ako, ayoko talaga. Nakakapagpababa ng moral at bilib sa sarili. Pero lahat ng ito ay pinipilit kong labanan. Pinipilit kong magpakatatag sa mga pagsubok na binibigay. Oo nga at nasusubok ang pagkatao, pero hindi naman ito nakakapagpatatag ng aking sarili. Dahil yun sa isang tao na nakakaapekto sa aking buhay.

Storya 1

Tumawag ako dahil alas onse y medya na ng gabi e hindi parin nakakauwi. Walang teks, nakapatay ang telepono. At dahil nasa Maynila ako e hindi ko matawagan sa landline. Naghihinala na akong kung saan saan na sya pumupunta. Naghihinala na ako na may iba na syang pinagkakaabalahan. Kinontak ko na ang nanay nya at sabi nga e wala pa.

Nang dumating, ang nanay nya rin ang nagsabi sa akin. Ako rin ang tumawag sa kanya para lang malaman ang dahilan nya. Naka-plan ako pero magkaiba kami ng network kaya binabayaran ko ang bawat minuto, yun nga lang, hindi ako pinagbabayad ng tatay ko, hindi ako sinisingil. Nakakahiya.

Unang pagkatawag ko palang e mukhang naiirita na sya. Nung pinagalitan ko ay tumahimik. Nung sinabi kong magpalit na sya ng number, na matagal nya nang promise sa akin at dahil hindi ko sya matawagan ng maayos, e nagalit at kinwestiyon ako. Nung nagalit ako e pinatulan din ako. Pinakamasaklap pa e, binabaan ako ng telepono.

________________

FCUK. Nagagalit ako sa kanya pero hindi ko naman mailabas. Gusto kong iiyak lahat ng pambabastos na ginawa nya sa akin mula noon pero hindi ko magawa. Sobrang sama ng loob ko sa taong yun. Sobrang pakiramdam ko e ang tanga tanga ko sa pagtitiis sa mga pambabastos at pambababa nya sa akin.

Dapat siguro e hindi ko nalang sya pinapakealaman kung gabi man sya umuwi. Dapat siguro e hindi ko nalang sya pinapagalitan kung anu mang ginawa nyang masama. Magagalit din naman sya e. Hindi nya rin naman makakaya kung magalit ako. Papatol at papatol din sya. Mababastos at mababastos din ako.

 

Mahal ko sya. Nararamdaman ko yun. Ang problema lang e kung mahal nya ba ako talaga, hindi lang sa salita. Bakit hindi nya ako nirerespeto bilang isang babae at bakit sinasabi nya pang gusto nya ako mapangasawa.

-ROBOTwannabe

Currently reading: Dosage Forms
Currently feeling: disappointed
Posted by robotwannabe on November 26, 2009 at 04:14 PM | Add a Comment
« Newer · Older »